ππ₯ππ π©ππ§ππ₯ππ‘ππ₯π¬ π¦ππ₯π©ππππ¦ π£ππ₯π π¦π π ππ ππ¦π’ ππ§ π£π¨π¦π

Nagsagawa ng libreng kapon at ligate sa mga alagang aso at pusa ang Lokal na Pamahalaan ng Alamada sa Municipal Covered Court noong ika-24 ng Oktubre 2025. Batay sa tala ng OMAS, 83 alagang hayop ang nabigyan ng serbisyong pang-operasyon, kabilang ang 23 ligation (8 pusa at 15 aso) at 60 castration (13 pusa at 47 aso). Bukod dito, 75 alagang hayop ang nabakunahan laban sa rabies bilang bahagi ng layunin ng programa na itaguyod ang kalusugan ng mga hayop at kaligtasan ng publiko. Katuwang ng Office of the Municipal Agricultural Services (OMAS) Alamada sa matagumpay na aktibidad ang Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Kitacubong, partikular ang mga Barangay Animal Health Providers, mga estudyante mula sa VKLV-OMICRON XI Chapter ng USM, veterinarian volunteers ng Philippine Veterinary Medical Association β Southern Mindanao Chapter (PVMA SMC), at ang Office of the Provincial Veterinarian (OPVET).

Ito ay bahagi ng mga veterinary mission initiatives na isinulong sa pamumuno ni Mayor Jesus βSusingβ N. Sacdalan, na patuloy na nagtataguyod sa responsableng pag-aalaga ng hayop at ng layuning magkaroon ng komunidad na ligtas sa rabies. Patuloy na hinihikayat ang lahat na makiisa sa ganitong programa at makipag-ugnayan sa OMAS Alamada para sa mga susunod na iskedyul.

