Idinaos noong Oktubre 21, 2025 ang pormal na Turn-over Ceremony ng bagong Multi-Purpose Drying Pavement at Warehouse sa Barangay Guiling, Alamada, Cotabato.
Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na suporta ng Department of Agriculture Regional Field Office XII (DA RFO XII) sa mga magsasaka, partikular sa mga miyembro ng Alamada P4MP Municipal Federation of Farmers Association, Inc. Ang kabuuang halaga ng proyekto ay โฑ2,089,978.40, kung saan โฑ218,707.68 ang inilaan para sa konstruksyon ng Multi-Purpose Drying Pavement at โฑ1,871,270.72 naman para sa Warehouse. Sinimulan ang pagtatayo ng drying pavement noong Disyembre 3, 2025, habang ang warehouse ay sinimulan noong Agosto 12, 2025. Napili ang Barangay Guiling bilang benepisyaryo ng proyekto sa ilalim ng P4MP farmers group, dahil ito ay isa sa mga pangunahing producer ng mais sa bayan ng Alamada. Ang inisyatibang ito ay patuloy na isinusulong ng LGU Alamada sa aktibong pamumuno ni Mayor Jesus N. Sacdalan upang masiguro ang pag-unlad ng agrikultura sa bayan. Dumalo sa seremonya sina Vice Mayor Hon. Victor Sacdalan, Hon. Ryan Diola/Committee Chair on Agriculture, Engr. Rolando Erese, Municipal Agriculturist at mga kawani, Engr. Vincent Paul Balongkit, Engr. II / MABEO Designate, Engr. Austing Arances, Engr. II/PLGU OPAG, Engr. Nolito Garcia, Chief SRES at Engr. Jovany Cruspero, Engr. I / Project Engineer/ DA-RFO XII. Samantala, masaya at puno ng pasasalamat ang mga magsasaka sa Alamada sa bagong pasilidad. Lalo nitong mapabuti ang post-harvest handling sa lugar, sa pamamagitan ng maayos na pasilidad para sa pag-iimbak ng kanilang ani. Malaking ginhawa din ito sa kanilang araw-araw na gawain, lalo na sa pagpapatuyo ng mais, na isa mga pangunahing produkto ng munisipalidad.




ย

ย ย

