𝗣𝗘𝗔𝗖𝗘 & 𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥| Bilang tugon sa insidente ng pananambang sa Pamilyang Bambaki sa Brgy. Raradangan noong Oktubre 5, 2025, personal na binisita ni 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓 𝑱𝒆𝒔𝒖𝒔 𝑵. 𝑺𝒂𝒄𝒅𝒂𝒍𝒂𝒏 ang pamilya ng nasawing si Mando Bambaki sa Brgy. Kitacubong upang ipaabot ang pakikiramay at tiyaking makakamit ang hustisya.
Kasama sina MILF–CCCH Member Abusaima Husain at PMAJ Jun Napat ng Alamada PNP, tiniyak ng alkalde na may dalawang persons of interest na iniimbestigahan at inaasahang lalabas na ang warrant of arrest sa mga suspek.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na peace and order advocacy ng Pamahalaang Lokal ng Alamada sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sacdalan—isang patunay ng kanyang malasakit sa mamamayan at matatag na paninindigan para sa kapayapaan.
𝗖𝗿𝗲𝗱𝗶𝘁𝘀| 𝐷𝑋𝐽𝐶 𝑁𝑒𝑤𝑠92.1 𝑉𝑜𝑖𝑐𝑒 𝐹𝑀 𝐶𝑜𝑡𝑎𝑏𝑎𝑡𝑜

Facebooktwitterredditpinterestlinkedinmail