Muling ipinamalas ng LGU Alamada ang kahusayan sa pamamahala matapos tanghalin bilang multi-awardee sa DILG โ PASIDUNGOG 2025, isang programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagbibigay-parangal sa mga natatanging LGU sa ilalim ng temang โTransforming Governance, Empowering Futures.โ Ginanap ang seremonya sa The Farm @ Carpenter Hill, Koronadal City noong Nobyembre 11, 2025.
Isa sa anim (6) na bayan sa Cotabato na ginawaran ng karangalang ito.
Isa sa tatlong (3) bayan sa Cotabato na kinilala para sa patuloy na pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga bata.
Pinanatili rin ng LGU Alamada ang CFLGA distinction sa loob ng limang (5) sunod-sunod na taon, bilang patunay ng walang humpay na dedikasyon sa pagbuo ng isang child-friendly na komunidad.
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng tagumpay na ito โ sa pamumuno ni Mayor Jesus N. Sacdalan, MSWDO sa pangunguna ni Aloha T. Ballos, RSW, MTSW, MLGOO Sarah L. Alamada, Program Focal Irish April Casiano at sa lahat ng LCPC members na katuwang sa pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng kapakanan ng bawat batang Alamadians.




