“LGU-ALAMADA GINAWARAN BILANG ISANG FINALIST NA LUMAHOK SA REHIYON DOSE PARA SA PAGKILALA SA ” GREEN INNOVATOR AWARD” NATATANGING LINGKOD KALIKASAN-BAYANI NG KALIKASAN NG DENR-EMB XII”
Kinilala ang Bayan ng Alamada sa pamumuno ni butihing Mayor Jesus ‘Susing’ N. Sacdalan at Vice Mayor Victor ‘Pogs’ S. Sacdalan dahil sa patuloy na husay, kakayahan at kasanayan ng Bayan sa pagpapatupad ng programang pang kapaligiran kaakibat ang mga inisyatiba na naghihikayat ng partisipasyon ng komunidad na nagbibigay rin ng dagdag kabuhayan sa pamumubay ng ating mamamayan.
Ang nasabing parangal ay iginawad sa pagkilala sa tagumpay ng Bayan sa pagpapatupad ng ‘Green Innovations’ sa Solid Waste Management gaya na lamang ng; Eco-friendly Livelihood, Recycling in response to Circular Economy at Climate Change Adaptation sa pamamagitan ng Office on Municipal Environment and Natural Resources sa pamamahala ni Danilo Acop Puno, R. Agri, MPA na ipinapakita ang pagiging malikhain, pakikipag ugnayan sa komunidada at matatag na pamumuno sa hangaring maging modelo sa pangangalaga sa kalikasan.
Makalikasang Alamada 


Mauswagong Alamada 




