Isinagawa ngayong araw, Enero 23, ang pagproseso at pag-release ng indemnity claims para sa mga farmer-beneficiaries ng Alamada at Banisilan sa pangunguna ng Philippine Crop Insurance Corporation Region XII (PCIC Region XII), na may kabuuang halagang ₱4,602,148.66.
Nagsisilbing mahalagang sandigan ng mga magsasaka ang PCIC, kabilang sa kanilang pinoprotektahan ay ang mga pananim, livestock, fisheries at aquaculture at ang mga ari-ariang pang-agrikultura gaya ng makinarya at iba pang kaugnay na imprastruktura laban sa pinsala o pagkawala.
Para sa karagdagang detalye at mga katanungan hinggil sa mga serbisyong ito, maaaring magtungo o makipag-ugnayan sa Office of the Municipal Agricultural Services (OMAS).
Facebooktwitterredditpinterestlinkedinmail