Malugod na pagbati sa Munisipalidad ng Alamada sa pagkakaloob ng Plaque of Recognition mula sa RDRRMC XII bilang pagkilala sa walang sawang paglilingkod, matatag na pamumuno, at makabuluhang mga inisyatiba na nagtataguyod ng isang mas ligtas at mas matatag na komunidad.
Ang naturang karangalan ay tinanggap ni Engr. Jeanne Pulmones, MDRRMO Department Head, bilang kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Alamada—isang patunay ng kolektibong pagsisikap ng lokal na pamahalaan at ng buong mamamayan tungo sa kahandaan, katatagan, at patuloy na kaunlaran. Mabuhay ang Alamada!

