๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ฃ๐ฎ๐๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ง๐ถ๐๐น๐ฒ๐ ๐๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฑ๐ฎ
Apat na pampublikong paaralan sa bayan ng Alamada ang tumanggap ng Land Titles (School Special Patent), isang hakbang upang matiyak ang legal na pagmamay-ari at seguridad ng mga lupang kanilang kinatitirikan.
Ang mga titulong ito ay iginawad sa Alamada High School, Polayagan Elementary School, Alamada Central Elementary School at Barangiran Elementary School upang maproktektahan ang mga paaralan laban sa mga posibleng usapin sa pagmamay-ari ng lupa at suportahan ang patuloy na pagpapaunlad ng kanilang pasilidad. Tinanggap naman ng mga opisyal ng DepEd sa pangunguna ni Romelito G. Flores, CESO V at mga school heads ang mga titulo sa ngalan ng kanilang mga paaralan.
Binigyang-diin ni Mayor Jesus โSusingโ N. Sacdalan na nararapat na mapabilis ang pagpapatupad ng programa upang hindi na dumaan sa matagal at paisa-isang proseso, nang sa gayon ay masiguro ang pangmatagalang proteksyon ng mga paaralan para sa mga mag-aaral ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.
Dumalo sa programa sina Vice Mayor Victor S. Sacdalan, mga kawani ng DENR, Rosalie P. Gazmin/CENRO, Radzak B. Sinarimbo/PENRO, Atty. Lanie Joy M. Aspilla/Acting Registry of Deeds, at Adiel Pamikirin/Protected Area Superintendent.

