𝗟𝗚𝗨 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗗𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗠𝗢𝗗𝗜𝗙𝗜𝗘𝗗 𝗢𝗣𝗜𝗡𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗔
Buong pagmamalaking tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Alamada ang
Idinaos ang Exit Conference noong Mayo 13, 2026 sa Rangayen, Alamada, Cotabato, kung saan inilahad ng COA Audit Team ang resulta ng pagsusuri at tinalakay ang kanilang mga obserbasyon at rekomendasyon sa mga opisyal ng munisipyo at mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan.
Ang Unmodified Opinion ang pinakamataas na audit opinion na ipinagkakaloob ng COA. Ipinapakita nito na ang financial statements ng munisipalidad ay maayos, tumpak, at naaayon sa mga itinakdang pamantayan sa pampublikong accounting.
Isang makasaysayang tagumpay ito para sa LGU-Alamada sapagkat matapos ang maraming taon ay ngayon lamang nito nakamit ang kauna-unahang Unmodified Opinion. Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lokal na isulong ang transparency, accountability, at mahusay na pamamahala ng pondo ng bayan.
Ang pagkilalang ito ay bunga ng matatag na pamumuno ni Mayor Jesus N. Sacdalan, na nagsusulong ng mabuting pamamahala at responsableng paggamit ng pondo ng publiko, gayundin ng sama-samang pagtutulungan ng mga opisyal, department heads, at mga kawani ng munisipyo sa pagsunod sa mga alituntunin at regulasyon ng pamahalaan.
Taos-pusong nagpapasalamat ang LGU-Alamada sa COA Audit Team sa kanilang gabay at mahahalagang rekomendasyon sa buong proseso ng audit. Nananatiling nakatuon ang Lokal na Pamahalaan sa pagpapanatili ng mataas na pamantayang ito at sa patuloy na pagpapabuti ng mga sistema at serbisyong ipinagkakaloob para sa kapakanan ng bawat Alamadian.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang tagumpay na ito upang lalo pa nating paigtingin ang pagiging tapat, responsable, at mahusay sa paglilingkod sa mamamayan sa mga susunod pang taon.


