Personal na dumalo at nanguna ngayong araw si OPAPRU Secretary Mel Senen S. Sarmiento sa serye ng mga aktibidad para sa mga pangunahing infrastructure projects sa Alamada, North Cotabato.
Kabilang sa mga proyektong isinagawa at binigyang-diin ang:
๐Ÿ”น Groundbreaking โ‚ฑ80-Million Sitio Sarmiento Bridge โ€“ Dado, Alamada
๐Ÿ”น Groundbreaking โ‚ฑ50-Million Lamuyon Bridge โ€“ Sitio Lamuyon, Barangay Barangiran
๐Ÿ”น Turnover โ‚ฑ44-Million Concrete Road Project โ€“ JCT NHW Banisilanโ€“Guilingโ€“Alamadaโ€“Libungan (BGAL) Road, Sitio Maracabocโ€“Sitio Pidatan
๐Ÿ”น Groundbreaking โ‚ฑ40-Million Concrete Road Project โ€“ BGAL Road, Sitio Maracabacโ€“Sitio Pidatan, Phase II
๐Ÿ”น Site Visit โ‚ฑ30-Million PAMANA Project โ€“ Sitio Little Pantar, Macabasa
๐Ÿ”นSite Visit โ‚ฑ30-Million PAMANA Project โ€“ BGAL Road, Sitio Maracabacโ€“Sitio Pidatan (Phase III)
Sa kanyang personal na pagdalo, pinangunahan ni Secretary Sarmiento ang mga aktibidad na naglalayong tiyakin ang patuloy na pagpapatupad ng mga programang nagdadala ng kapayapaan, imprastraktura, connectivity, at oportunidad sa mga komunidad.
Kasama sa makabuluhang araw na ito ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Municipal Mayor Hon. Jesus N. Sacdalan, gayundin ang mga lokal na lider, sitio leaders, elders, at mga mamamayan na patuloy na nakikiisa sa mga programang pangkapayapaan at pangkaunlaran.
Ang mga proyektong ito ay patunay na kapag nagtutulungan ang mga ahensya ng pamahalaan at komunidad, ang kapayapaan ay nagiging daan tungo sa konkretong pagbabago at tunay na kaunlaran.
Facebooktwitterredditpinterestlinkedinmail