ALAMADA, April 20-23, 2021- Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region XII, Koronadal City katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Alamada ay nagsagawa ng First Semester Senior Citizens Social Pension Pay-out sa 17 barangays sa bayan ng Alamada nitong April 20-23, 2021.

Umabot sa Php 11, 241, 000.00 ang halaga na naibahagi sa ating mga mahal na 3, 747 na mga Senior Citizens sa buong bayan ng Alamada sa pangunguna ni Mayor Jesus “Susing” Sacdalan. Nasa nasabing aktibidad din ang mga Sangguniang Bayan Members ng Alamada sa pamumuno ni Vice Mayor Leonigildo A. Calibara, Jr. na patuloy na sumusuporta sa mga programa at proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Alamada.

Ang labis na tuwa at pasasalamat ng mga senior citizens sa ating mga liders, DSWD XII at Municipal Social Welfare and Development Officer Aloha Tenorio Ballos, RSW and Staff sa biyayang natanggap para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Facebooktwitterredditpinterestlinkedinmail